Parating nangyayari ito: Salbahe si titser, wala kang magawa, hindi mo naman puwedeng i-drop kasi kailangan mong grumadweyt kaya titiisin mo na lang, tatango ka lang sa mga pangungupal na ginagawa niya sa iyo sa bawat araw na nagkikita kayo, pasang-awa ka sa mga pagsusulit, tablado ka sa recitations, at kung anu-ano pa. Sawang-sawa ka na. Naguusok na ang iyong mga tenga. Nagpapawis na ang iyong puwit. Ano’ng gagawin mo? Mga mare at pare, madali lang. Heto ang top ten para sa mga estudyanteng tulad mo.

10. Barahin/Tablahin si Sir/Ma’am

PROPS: Lakas ng loob. Kailangan din witty ka. Manood din ng mga teeny-bopper flicks.

RISK LEVEL: High kasi makikita ka ni Sir/Ma’am

Kung all-knowing ka naman talaga at parang sa iyo ang mundo, hindi ito problema. Malamang nga ay hindi mo na kailangang basahin ito. Pero para sa mga api-api diyan na mahilig umiyak sa kanilang mga unan, heto ang solusyon. Kapag nag-propose si Sir/Ma’am, ayawan mo agad. Kapag nagdidiscuss siya, sumalungat ka. Siguraduhin mo lang na panalo ka dahil parang right minus wrong ang laban mo dito. Kapag nanalo ka naman (na bihirang mangyayari) minus confidence points ito kay teacher.

9. Gawin siyang “inspirasyon” sa ibang klase

PROPS: Another subject. Lakas din ng loob.

RISK LEVEL: High kung kilala ni teacher #2 si target teacher

Pasimple ka lang dapat bumanat. Like “… unlike in my other subject which is so boring…” Kung su-suwertehin ka, magtatanong si teacher #2 tungkol sa subject mong iyon. Siyempre ikaw naman, sasabihin mo. Dadagdagan mo pa ng: “But wait, there’s more! .” Malamang tatango lang si teacher #2, pero siguradong may mental note na ‘yan at malamang din kakalat na ‘yan sa ibang faculty. Basta ba hindi ka magmumukhang bitter.

8. Magpadala ng death threat

PROPS: Mga letrang ginupit sa mga lumang magazines. Mas maganda kung magkakaiba. Pandikit. Malinis na bond paper. Sobre. Dugo kung meron. Manood ng kidnap-themed movies kung kinakailangan.

RISK LEVEL: Low basta walang taong aali-aligid malapit sa pigeon hole niya

Kung nanonood ka ng mga pelikulang madalas ang kidnapan at barilan, nakakita ka na ng ganitong uri ng liham. Simple lang po gawin ito. Simulan mo ng mga nakakatakot na linyang tulad ng: “Mr. (insert name ni teacher), maikli na ang pasensya ko sa iyo. Mag-ingat ingat ka sa bawat galaw mo kundi malilintikan ka sa akin…” Huwag mo lang masyadong gawing specific. Baka makilala ka. Ilublob mo sa dugo kung meron para mas nakakatakot. Ilagay sa sobre at idiretso mo na sa pigeon hole niya. Kung nahihirapan ka, i-LBC na lang.

7. Mag-post ng “No class today. Professor/Instructor (insert name here) is sick” sa pintuan ng classroom ninyo

PROPS: Malinis na bond paper, tape, at fine-tipped marker. Puwede ring magsama ng look-out, basta dapat loyal sa ‘yo.

RISK LEVEL: High kung clumsy ka

Effective ito sa mga klaseng walang sinundan (tulad ng mga 7-8 AM na klase) o kaya naman sa mga classrooms na kakaunti lang ang tao. Pumasok nang maaga. Siguraduhing walang taong aali-aligid, lalo na mga kaklase, pero kung may kasama ka naman, hindi ito problema. Idikit sa pintuan ang mensahe (huwag kalimutan ang pekeng pirma!) at umalis. Kapag may nakita kang classmate, magpatay-malisya at sabihing “Uy, wala daw tayong klase. May sakit si Sir/Ma’am.” Pagkatapos ay magpakalayo na sa crime scene. Huwag araw-arawin. Magmumukha kang ‘The Boy who Cried Wolf’.

6. Mag-vandal

PROPS: Kahit anong panulat; cutter kung sa kahoy na upuan ka magva-vandal.

RISK LEVEL: Low

Simple lang ito. Malamang nagawa mo na nga ‘to dati pa, pero isasama ko na rin siya dahil effective ito sa pagpapatawa. Kahit saan puwede mo itong gawin. Mas masaya kung iva-vandal mo siya sa bagong pinturang pader (maghintay ka lang ng summer) para lalong kita. Pero kung wala kang pader na masulatan, sa mga monoblocs na lang. Kahit ano puwede mong isulat. “Bakla si Sir (insert name)!” “Si Ma’am (insert name) pokpok!” – sample lang ‘yan. Puwede ka ring mag-caricature kung kaya mo siyang i-drawing.

5. Isumbong sa Adviser

PROPS: Lakas ng loob at isang well-rehearsed drama. Luha kung kaya.

RISK LEVEL: High kung hindi ka consistent

Effective lamang ito kung nasa iisang deparment si target teacher at si adviser. Siyempre kailangang i-rehearse muna ang mga pinagtagpi-tagping istorya ng pagmamaltrato ni target teacher sa iyo. Samahan mo pa ng mga panalong linya tulad ng “… Sir/Ma’am (insert name of adviser), naaapektuhan na ako ng mga side-comments ni Sir/Ma’am (insert name of teacher). Parang gusto ko nang i-drop yung subject niya.” Tapos humikbi-hikbi ka pa. Kapag nakita mo na iba na ang tingin ni adviser sa ‘yo, mission accomplished!

4. I-tsismis si teacher

PROPS: Malikhaing kuwento at walang patid na bunganga. Bawal sa friendster at e-mail. Madaling ma-trace ‘yun.

RISK LEVEL: Low

Siyempre huwag mong simulan ng “alam mo ba kumare.” Mas maganda kung sasabihin mong “Uy may nagkuwento sa ‘kin, si Sir/Ma’am (insert name) daw, (insert malikhaing kuwento here).” Siyempre kung gagawa ka ng tsismis, huwag mo namang sobrang i-exaggerate. Huwag mong sabihing lider siya ng isang kulto o kaya naman alien siya mula sa Mars. Mas realistic, mas maganda. Siguraduhing hindi mate-trace sa iyo ang mga paninirang puri.

3. Gamitin ang Evaluation Form

PROPS: Ballpen, evaluation form, at ang iyong non-writing hand.

Risk Level: Sobrang Low basta hindi ka makilala

Pangalawa lamang ito dahil kahit effective siya, hindi pa rin siya ganun ka-effective. Walang ka-effort effort ito. Susulatan mo lang ng mababang mga grade ang bawat box na makita mo, tapos ka na! Dagdagan mo pa ng mga maaanghang na salit sa likod. Huwag mo namang sobrahan dahil madaling malaman na may galit ka kay teacher. Gawin mo ding inconsistent ang grades na binibigay mo para mas nakakabilib. At gamitin mo rin ang iyong non-writing hand (kung sumusulat ka sa kanang kamay, gamiting ang kaliwa) para lalong hindi ka makilala ng nanggagalaiting si teacher. Tapos!

2. Mag-file ng Sexual Harassment Case

PROPS: Ang OASH (Office of Anti-Sexual Harassment). Isang kuwentong walang butas. Manood ng CSI o Boston Public kung kinakailangan (at kung ganoon ka ka-desperado, manood ng porno). Ang adviser. Ma kaibigang loyalist. Mga pekeng dokumento. Si attorney. Si Mommy at Daddy. Ang simpatya ng marami. Ang simbahan. Todo na ito!

RISK LEVEL: Ma-eexpel ka lang naman kapag nahuling nagsisinungaling ka, kaya Low lang. Puwede ka pa naman kasing lumipat sa CDLB at magkunwaring na taga-UP ka pa rin. Dalawang letra lang naman ang naiba.

Kapag nai-file mo na ang kaso sa OASH, wala nang urungan ito. Isipin mo na ang lahat ng kasalanan na ginawa sa iyo ni teacher para mas ma-motivate ka pa. Malamang kakalat ang balita. Mapapa-dyaryo ka pa kung su-suwertehin. Baka ma-feature ka pa sa Kontrobersyal. Siguraduhing walang kabutas-butas ang iyong fabricated story mo dahil kapag meron, see RISK LEVEL. Magdrama lang at magdrama pa. Huwag kalimutang umiyak sa bawat hearing at interviews. Appeal to emotion ito. Isang panalong linya: “I really don’t want to come out because it’s so embarrassing, but I have to. Baka gawin niya pa ito sa iba…”

AT KUNG HINDI PA GUMANA ANG NAUNANG SIYAM, HETO ANG #1. Ang Class-S. Ang super saiyan 4. Ang ultimate resbak.

1. Hitman is the man

PROPS: Issue 6 ng Perspective (hanapin ang LB Underground). Pera, maraming pera. Picture ni teacher. Mga contact na hitman. Lugar na mapagtataguan ng bangkay ni teacher. Puwede sa IRRI.

RISK LEVEL: Low sa iyo dahil mga hitman naman ang nasa front line. Magiging high lang sa iyo kapag sinumbong ka nila, pero bihirang mangyari iyon.

Gawin mo lang ito kung kinakailangan. Kapag nakasalalay na ang buhay mo sa kay teacher. Kapag nothing to lose na ang drama mo. Kapag alam mong sa impyerno ka na didiretso (kung sabagay, sa impyerno naman talaga ang diretso mo). Basta. Isang tawag lang ito. Alamin mo kung saan at kailan madalas mag-isa si teacher para madaling masundan ng mga hired killers mo. Planuhing mabuti kung kailan siya ipatutumba. Mas maganda kung finals week para wala na rin kayong mga exams at mga final papers.

Pagkatapos ay humarap ka sa salamin at tumawa nang malakas. Dumeretso rin sa pinakamalapit na simbahan at mangumpisal.

Buhangin

October 11, 2005

BUHANGIN

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Sam nang tinanong niya ang kanyang ina.

"Ma, si Papa?"

Patuloy lamang sa pagmamaneho ang ina, pero ramdam ni Sam ang kaba niya sa hindi niya pagsagot. Napalunok si Sam.

"Ma—"

"Hindi ko alam. Tanungin mo ang lola mo." Mahinahon ang sagot ng kanyang ina, pero malamig. Nanaig ang takot ni Sam kaya naman hindi na siya muling nagtanong–o nagsalita. Ganun din ang kanyang ina.

Natanaw na ni Sam ang minimithing lugar: ang bahay-bakasyunan ng kanilang pamilya. Liban sa ilang mga seradurang nasira at ang mga pinturang nat, ito pa rin ang bahay-bakasyunan na binisita nila tatlong taon na ang nakararaan. Ito pa rin ang bahay-bakasyunan na minsa’y katabi ng maalon na dagat—pero madalas ay hindi. Ito pa rin ang bahay-bakasyunan na dati’y hinampas ng malalakas na alon habang sila’y natutulog nang mahimbing

Papasok na

sana

siya nang tawagin siya ng kanyang ina.

            “Sam, kunin mo nga ‘tong mga bag.” Ramdam pa rin sa boses ng kanyang ina ang kakaibang pagkainis sa tanong niya kanina. Hindi na siya nagdalawang-isip na sundin ang utos nito.

            Kinuha niya ang dalawang bag—sa kanya at sa kanyang ina—at buong-lakas na kinarga ang mga ito papasok. Nang nilingon ni Sam ang kanyang ina, nakita niya itong nakatitig ang sa dagat, mukhang ninanamnam ang lamig na dala ng hangin at ang tunog ng alon mula sa malayo.

(itutuloy)