IGWP

July 26, 2006

Tauhan:

DERIK – College student. Walang
direksyon ang buhay. Sarkastiko’t makulit.

YENG – College student din.
Manunulat sa gabi. Sarkastiko paminsan-minsan.

‘TE SANG – Ate ni Derik. Sawa na sa
mga problema ni Derik na pinoproblema niya rin.

 

1.
INT.
SA LOOB NG ISANG COLLEGE BUILDING. LATE AFTERNOON.

 

Nakaupo si DERIK sa isang org tambayan.
Nakapatong ang ulo sa mesa habang hawak ang kanyang cellphone sa isang kamay.
Maya-maya’y kukuha ng sigarilyo at magtatangkang magyosi. Uubuhin. Itatapon ang
sigarilyo sa damuhan.

 

Biglang magri-ring ang cellphone. Nang
makita ni DERIK na ang ‘TE SANG niya ang tumatawag, magbubuntong hininga siya
at sasagutin ang telepono.

 

DERIK

O?

 

‘TE
SANG

Anong
o? Bakit?

 

DERIK

Anong
bakit?

 

‘TE SANG

Ano ba, Derik? Marami
pa akong gagawin a!

 

DERIK

Ako rin.

 

‘TE SANG

A bahala ka nga!

 

Ibababa ni ‘TE SANG ang telepono. Ipapatong ni DERIK ang cellphone sa
mesa. Ipapatong din ang ulo sa mesa at susubuking mag-dial gamit ang kanyang
noo. Nang hindi magawa’y gagamitin na niya ang kamay niya magsisimulang
mag-text. Pagkatapos ay ipapatong ulit ang ulo sa mesa.

Maya-maya pa’y magri-ring ulit
ang telepono. Sasagutin ni DERIK habang nakapatong ang ulo sa mesa.

 

‘TE SANG

O?

 

DERIK

Yun na.

 

‘TE SANG

Bakit?

 

DERIK

Gusto ko lang.

 

‘TE SANG

Pang-ilan mo na?

 

DERIK

‘Te, ‘wag mo nga
akong tanungin niyan.

 

‘TE SANG

Hindi nga, ilan
Derik?

 

Hindi sasagot si
DERIK.

‘TE SANG

Ano?

 

Hindi ulit sasagot si
DERIK.

‘TE SANG

(Pasigaw) Ano?

 

DERIK

Pangatlo.

 

‘TE SANG

Ilang taon ka na?

 

Hindi ulit sasagot si
DERIK.

 

‘TE SANG

Ano?

 

DERIK

Twenty-one.

 

‘TE SANG

E yun naman pala e.
Dapat nung sixteen mo pa naisip yun.

 

DERIK

E sixteen pa rin
naman ako e. Kahit twenty-one na.

 

‘TE SANG

Nasabi mo na ba kay
Pa?

 

DERIK

Hinde. Kailangan ba?

 

‘TE SANG

(Sarcastic) Pwede
ring hinde.

 

DERIK

‘Kaw na magsabi.

 

Hindi sasagot si ‘TE
SANG.

 

DERIK

Ano?

 

‘TE SANG

Ayoko nga.

 

DERIK

Sige na. Libre kitang
pishbol ‘pag pumunta ka dito.

 

‘TE SANG

(Annoyed) Ewan.

 

DERIK

Sige, may kasama pang
softdrink.

 

‘TE SANG

(Pasigaw ulit) Ano
ba, Derik? Ayusin mo nga yang buhay mo!

 

DERIK

Kaya nga inaayos ko
na e.

 

‘TE SANG

Ila’ng pusta mo na
iba na naman ang gusto mo next year?

 

DERIK

Tatlong pishbol?

‘TE SANG

A bahala ka nga sa
buhay mo!

 

Ibababa ulit ni ‘TE SANG ang telepono. Magbubuntong-hininga si DERIK at
ipapatong ang telepono sa mesa. I-uuntog nang marahan ang ulo sa mesa.
Maya-maya’y kukuha ulit ng sigarilyo sa bulsa. Susubok ulit magyosi, pero
uubuhin lang ulit. Itatapon ang nasayang na sigarilyo sa damuhan.

One Response to “IGWP”

  1.   Kate said:

    Wow, eto na ba ang script? Hehe. AT talagang naka-post siya kuya. Goodluck!

Leave a Reply