15. "Kuya, kung nasa Korea ka, ano sa tingin mo ang code nito?" Kapatid ko ulit nang tinanong niya sa akin kung ano ang unlocking code ng cellphone na galing sa SoKor. Sure, masasagot ko ‘yan ‘pag nasa Korea ako. (salamat kay patricia kristy ann texon dahil pinaalala niya sa ‘kin ‘to.)

16. Nang mauntog ako noong naka-blindfold ako sa casting ng FC. Gusto ko nang sapakin yung humihila sa akin noon, e si Ate Cha pala.

17. Nang makita ko si Loise na madulas sa hagdan sa Hum. (Tumulong naman ako, pero tumatawa na ako sa loob, hehe)

18. Mga Simpson episodes.

19. Mga Friends episodes. Lalo na yung mga Thanksgiving episodes.

20. Nung magplay as Julia Roberts si Julia Roberts sa Ocean’s Twelve. Sabog ang fourth wall.

21. Lahat ng Arrested Development episodes. Lahat.

22. Ang picture ng kapatid ko habang nalulunod siya.

23. Ang grad pic ng kapatid ko na nakapikit. Langya, isang beses na nga lang pi-picture-an, pumikit ka pa? O siya, graduate ulit!

24. Nang regaluhan namin ng pinsan ko si Jesper ng regalong bato lang naman ang laman. Iyak siya e. Merry Christmas talaga.

25. Nang gumawa ulit ako ng regalong bato at iniwan ko sa ilalim ng Christmas tree na may nakasulat na, "For Someone special." Tapos muntik nang kunin ng tito ko. ("For someone special? Ako yun a!")

26. Nang umuwi kami nila Seph na gutom mula Baguio hanggang Laguna sa STS field trip namin. At nang binigyan kami ng classmate naming madre ng large french fries, tinipid namin nang matindi. At nang maubos na ang fries, nagtulug-tulugan kami para di mapansin ng mga kasama sa bus na hindi kami kakain. Nakaka(t)awa.

27. Mga klase namin ng Eng 106. ‘Pag ‘di bad trip si Ma’am Bucoy.

28. Nang mapansin ko na ang buong row sa harapan ko (sa Fil 150 class) ay mga fans ng A Walk to Remember. ‘Yan ang collective unconscious.

29. Nang makita ko na ang ipinangalan sa akin nung kami’y papunta sa Bicolandia ay Jabarr. Ito yung kuwento:

     Lalaki: Ano’ng apelyido mo?

     Jay: Gavarra

     Lalaki: Ano spelling?

     Jay: G-A-V-A-R-R-A

     Nagsulat ang LALAKI at ibinigay kay JAY ang ticket.

     Nagulat si JAY sa kanyang nabasa: JABARR

30. Ang "Life is Ticking" tagline ng fake Timex stuff na nakita namin with the Jabarrs sa Bicol. 

6 Responses to “mga bagay na nagpatawa sa akin, part 2”

  1.   KeZiA said:

    kuya jay, nakakatawa nga yung mga nakapag-patawa sayo. ;)
    haha!

  2.   Kate said:

    Award talaga ‘yung cellphone galing Korea at ‘yung picture ni Jessica. Ang bait mo talagang kuya!

  3.   tetay said:

    lukas jay nelson gavarra, parang j-a-b-a-r lang ang nakasulat sa bicol ticket. hindi double r. pero mas nakakatawa sa ‘kin na natawa kayo ni eka sa jabar, e ‘di niyo pala alam ibig sabihin. bakit sa lahat ng pangalan ay patricia?

  4.   Jay's Son said:

    ewan ko, parang bagay kasi. :D

  5.   Jay's Son said:

    ewan ko, parang bagay kasi. :D

  6.   tetay said:

    lukas jay nelson “dainty biceps” gavarra. bawahahahaha!

Leave a Reply