31. Nang magtimpla ako ng kape for the first time tapos asin pala ang
nailagay ko at hindi asukal. Ayun, caffeinated salt water ang nainom ko.
32. Ang sign na, "Courses offered: Nursery, Preparatory, Toddler, and Elementary"
33. Ang mga jokes ni Tinerz. Ewan ko, pero talagang napapatawa niya ako.
34. Ang mga Japanese pranks na napanood ko sa Youtube.
35. Isang episode ng Fairly Odd Parents kung saan napunta si Timmy Turner sa iba’t popular TV shows.
36. Nang niloko namin ng tito ko ang pinsan ko na nanonood mag-isa sa sala. Nasa labas kami at nililipat ang channel ng TV gamit ang remote. Ayun, takang-taka.
37. Ang unang Icebag.
38. Ang Supremo. Drama dapat ‘to e, pero natawa ako. Sa sobrang tawa ko gumawa ako ng review para sa [P]. Mwahahaha.
39. Two Weeks Notice.
40. Ang banat ni Rufo na, "I’m a horse. I kick when I’m hurt." Sabi mo e.
41. Nang ayaw kong buksan ang regalo ko noong Christmas 2002. Akala ko Avon product (Avon lady kasi si Mama noon), yun pala CD ng Final Fantasy IX.
42. Nang bumanat yung isang game character (’di ko matandaan ang pangalan): "What, another obligatory boss battle?"
43. Nang kumanta muli si LA Lopez tapos hindi nagbago ang boses niya.
44. Nang makita ko ang picture ko noong elementary na nagbabasa ng encyclopedia (at naka-pose pa!)
45. Nang sinubukan kong manghuli ng sisiw tapos di ko sinasadyang mahampas ng tubo ang kawawang ibon. Ayun, tinapon ko na lang sa kabilang bakod.
46. Nang bumanat ang isa kong kakilala na namatayan ng tatay ng, "Ito ang season-ender ng pamilya namin."
47. Nang maglaro kami ng ‘One-Two-Three-Pass!’ sa burol naman ng isa pang kakilala.
48. Nang pinag-race namin ng pinsan ko ang sari-sarili naming mga remote-controlled race cars. Kapag umaandar yung race car ko, umaatras yung sa kanya. Langya, magkabaligtad pala ang frequency ng dalawa.
49. Nang napasigaw ako sa loob ng isang computer shop matapos matakot sa Exorcist: The Beginning game. Nag-sorry na lang ako katabi ko.
50. Ang quote mula kay J.K. Rowling na, "I absolutely love Y Tu Mama Tambien." Mga bata, panoorin natin ‘to!

Leave a Reply