mga bagay na nagpatawa sa akin
August 3, 2006
para lang makaalala. para lang matawa. at para rin ‘pag 40 years old na ako, mababasa ko ang mga bagay na nagpatawa sa akin noong 21 ako.
1. "Shut up, you gutless worm!" sigaw ng isang bida sa isang pelikulang pambata. Mga elementary pa ‘ata ako noon, pero everytime na maalala ko ang immortal words na ‘yun, tatawa talaga ako.
2. Nang ma-trap kami nila Anna at Gracy sa mundo ng mga aso. Anniversary yun ng mga Bahaghari pips e, kaya gusto ko silang sisihin kasi wala kaming mapuntahan. Hehe.
3. Nang mag-debate ang group namin nila Aiza Magsino sa Polsci 14 tapos off topic pala kami.
4. Nang malaman ko ang revelation sa Cindy Ferrer: Ang Anak ni Baby Windy
5. Nang sumemplang ang pinsan ko sa ginagamit niyang bike noon pagkatapos ko siyang sigawan ng, "Sesemplang ka!"
6. Nang magtanong ang kapatid ko sa ‘kin: "Kuya, ang mga ligaw na bala ba, yung mga balang hindi alam kung saan sila pupunta?" The best.
7. Nang tawagin ng isang inosenteng bata ang naka mohawk na si Kikokom-arts ng "Horse!" habang nanonood ang Fil 150 class namin sa Olimall. "Mommy, may HORSE!"
8. Ang biglang labas ng lyrics ng videoke sa ending ng Crying Ladies. For a Sharon Cuneta flick, nakakatawa siya.
9. Majority ng SpongeBob Squarepants episodes. Lalo na yung lahat nag-pretend na Squidward (pati si Gary!).
10. Nang unang beses akong tawaging Jayson sa opisina.
11. Nang sabihan ko ang mama ko ng, "The van is too small for my ego!" at na-badtrip siya.
12. Ang napakasayang "Ligaya, ang Babaeng Walang Pahinga: A Cinderella Story" na class play noong high school. May subliminal message yun e ("Ang pangit ni Ma’am!"). Talo ang Shrek sa pagka-hodge podge at sa mga pop culture references.
13. "Pag ako nagalit, sasabog kayong lahat!" sigaw ni Mrs. Pineda nung 2nd year HS.
14. Ending ng ABNKKBSNPLAKO.
TO BE CONTINUED!
Leave a Reply