filecase from hell
May 6, 2007
Habang naghahanap ng matinong masusuot kanina (butas na shorts at manipis na tshirt — tsaka brief syempre, pero optional yun), natagpuan ko ang aking matatag na filecase. Mga laman: mga lumang drafts ng mga nabuhay, namatay, at stillborn na mga kuwento, mga panahong mahilig pa ako sa ellipsis.
.
.
1. Minutes, ang pinakaunang short story na nagawa ko sa kolehiyo (Eng 101-W, August 2003). Hindi pa ako marunong ng subject-verb agreement at proper tenses noon, kaya may time-traveling angle din yung story. Classic: "Vanessa suddenly felt a hot, sharp pain piercing her heart. Oh no!" Salamat, Sir Andrada. At sa ‘yo rin, Harry Potter.
.
.
2. Some untitled story based on The Republic. Not even sure kung tama yung inspiration (2002 yata, SOSC 2). Nabuhay lang dahil ginawang Agency Movie ng batch namin sa FC, ito ay isa sa mga epic-epic fantasy concepts ko noon. 3 groups of people: Guardians, rulers and law-makers na nakatira sa upper heavens beyond the clouds, Auxiliaries, essentially the Police who make sure that the laws created are followed, and Peasants, ang worker ants ng buong sistema. Above all of them is an entity called Fate na may dual-personality. Siyempre, may ‘the One’ din sa kuwentong ito: si Ankh, ang forbidden offspring ng isang Guardian at isang Auxiliary na itinago sa mga Peasants. Blahblahblahblah — in short, my personal Avatar.
.
.
3. Pakshet (1st Sem 04), requirement para sa Eng 105 tungkol sa isang barkadang may last night out bago grumadweyt. Inspired, quite heavily, by Last Order sa Penguin — siguro dahil dalawang gabi ko lang sinulat ‘to. Nasa folio ‘to e, pero may humiram at hindi pa sinosoli. Ang daming pop culture references kaya mabilis maluma. Classic: "GREGORY SMITH: Bakit ka ba ganyan? When I ask you a simple question, you don’t answer. When I feel horny, you don’t respond. You’re like a rabbit!" Tang’na, absurd.
.
.
4. Ice Candies Never Melt (2nd Sem 04), requirement naman para sa Eng 106 tungkol kay Wilkins at ang unang beses na, uh, sumikip ang pantalon niya. According sa aming panelist, phallic symbol daw ang ice candy sa story dahil ito raw ang nagsilbing ’sandata’ ng bida na gustong ihandog sa kanyang crush na prostitute. Namangha na lang ako. Classic: "But no one can break Wilkins who was as strong as ice that day." Anak ng Tinapang Metaphor!
.
.
5. Nena’s Wind (2nd Sem 04), isa pang requirement para kay Ma’am Bucoy, tungkol naman sa isang batang… a basta, sawang-sawa na ako sa kuwentong ito. First story ko na nakasama sa mga Kuwentong Pantas, pero nasira ng maling layout. May mga estudyante si Sir D noon na nagpadala ng semi-required letter/reaction paper sa kuwento ko noon, sabi pa ng isa, "I have red your story, and I don’t like it." Siyempre, the letter made me ‘read’ with anger. Classic: "’Ivan!’ Nena’s Father was _____" Final paper sa Creative Writing subject, at nag-iwan pa ako ng blank space.
.
.
6. Si Bertha at ang mga Belldandies (2004), una’t huling script typed using an electronic typewriter. Dahil akala ko mas tipid. Ito dapat ang ipapasa ko sa Eng 105, pero dahil fantasy ang setting, at dahil napansin kong nagmukhang Sineskwela episode na pala ang kinalabasan, iniwan ko na lang like a cold potato. Classic: "LAHAT: Ok!!!" Worst!!! Line!!! Ever!!! Sparta!!!
.
.
7. Ang Oras at ang Bibig ni Miss Shiela Rose (early 2005 yata). Attempt ko yata ito noon na mag-experiment. Mukhang hindi yata successful dahil first page lang nasulat ko. Literally ang laman lang ng page na yun ay ang Oras at lahat ng salitang lumalabas sa bibig ni Shiela Rose. Isama na ‘to sa mga first-page-failures ko tulad ng Soft Spoken Secrets at Somewhere not Here.
Leave a Reply