On hold muna ang esoteric kaaiDSgd posts.
:
Friday to Saturday dapat ang editing. Natuloy naman ang Friday, pero black out sa buong Antipolo noong Sabado. Bigla kong naalala si Harold Crick — masyado kasing contrived ang mga nangyari. Parang may nagsabing, "O masyadong boring para sa mga manonood natin ang dalawang araw ng editing. ‘Di pwede ‘yan!" Biglang taas naman ng kamay ang magaling na Segment Producer, "Alam ko na! Tanggalan natin kuryente!"
:
Buti naman Antipolo ang HQ, kaya namasyal na lang kami.
:
020607_1311

:
Sa labas ng tahanan ni Ms. Katherine Joyce. Dahil downhill, naisipan naming mag-wheelchair racing pababa. Kung sinong unang masaktan, siya ang panalo.
:
020607_1312

:
Siyempre mawawala ba ang picture ng mga ulap? Pa-profound siyempre.
:
020607_1345

:
Ang twisted pic ng Antipolo City. Kung saan maraming kasoy, suman, at…marami pang kasoy. Kasoy o kasuy o kachuy, bahala na.
:
020607_1443

:
Sa loob ng Antipolo Church. Palitan lang ng mga PBA players yung mga mukha ng nasa bintana, Nike ad na siya.
:
020607_1444

:
Isa pang stained glass pic.
:
020607_1447

:
At isa pang stained glass pic. Pero this time may (mc)twist. Pap-parapap-pray!
:

020607_1455

:
Mechanics ng contest: Sa loob ng bawat ostya (or whatever it’s called) ay may scratch-card kung saan pwede kang manalo ng mga instant prizes tulad ng delata, Kerygma, o kaya nama’y ang librong Purpose-driven Life. Kung hindi ka nanalo dun, i-drop mo na lang sa mga select drop boxes para may chance kang manalo ng Toyota Innova. O, ano pa’ng hinihintay niyo? Simba na! (But seriously, this contest sounds so…desperate)
:
020607_1517

:
Ang daan patungong Hinulugang Taktak. Dahil "taga-Elbi" kami (at ibig sabihin daw nun ay matatag sa lakaran), nilakad na lang namin (kahit ilang beses na kaming sinabihan na malayo nga yun).
:
020607_1524

:
Parang Death March.
:
020607_1540

:
Fulgurant Ogultejus Populiatnas Exemenerau Store. Fulgurant Ogultejus Populiatnas Exemenerau Store. Fulgurant Ogultejus Populiatnas Exemenerau Store. Pabili nga ng Worcestershire sauce sa Fulgurant Ogultejus Populiatnas Exemenerau Store.
:
Isang normal na tindahan na may normal na pangalan. 2 out of 4 words lang ang nahanapan ko ng link sa Google — fulgurant means ‘dazzlingly bright’ sa Answers.com; Exemenerau naman ang ‘company’ ng isang Friendster member) — teka, sino’ng may number ni Robert Langdon?
:
020607_1536

:
Natatanaw (at naaamoy) na namin ang Hinulugang Taktak.
:
020607_1550

:
The Majestic Taktak Falls, in all its ’soap-suddy’ glory. Biglang may nagpatugtog ng Kanlungan sa malayo. Tapos Big Yellow Taxi. Tapos Paraiso. Buti na lang walang nag-interpretative dance.
:
020607_1612
:
Tumambay lang kami sandali (kailangang sulitin ang P8.00 na entrance fee; para sa gantong lugar, mahal na yun). Mas mabuti pang tumingala at pagmasdan ang mga punong walang malay sa lupang kanilang kinatatayuan. O ha, may moral lesson. Essay na essay.
:
:

4 Responses to “Antipolo pala ang capital ng Rizal. Hooray to Philippine geography!”

  1.   Katie said:

    Adik ka Jay. Adik. Wala na akong ibang masasabi kundi adik ka. At maganda ang camera ng phone na gamit mo. ‘Yun lang. Wheelchair race ulit tayo pag dumalaw kayo sa bahay. Para mas exciting, gabi natin gawin. Paunahang makarating sa ilog. Paglampas mo ng bangin ilog na kasunod. =)

  2.   Jay's Son said:

    kelan na ulit ang post-prod? daranak daw malapit lang

  3.   Jay's Son said:

    kelan na ulit ang post-prod? daranak daw malapit lang

  4.   Katie said:

    Di ko alam. As of today ay nag-relocate na ulit kami ni Pinyot sa LB. Wala kasing pambili ng laptop e. O well. Lalala… Di ko pa nare-render yung na-edit. Render ko bukas. Japfest na!!! =)

Leave a Reply