si RO at ang survey

June 14, 2007

Pinilit kong pasagutin si RO ng survey sa friendster, pero ayaw niya.

Sa sobrang inis ko nga e sinabihan ko na siya ng, "I am your author, dammit, so you better answer that freakin’ survey!"

Pero ayun, tinitigan lang niya ako. Tapos nag-yosi na.

Tinanong ko siya kung bakit ayaw niya. Nakisindi na rin ako ng yosi kahit hindi naman ako marunong humithit.

Maya-maya sumagot na rin siya. "Buburahin lang naman nila ang sagot ko pagkatapos e."

Good
point, RO, but not good enough. Ang daming nagugutom sa mundo, the
least you could do is answer that survey. (Oo, magulong rason, pero
rason pa rin)

Nagsindi pa ulit siya ng panibago pagkatapos. "May biyahe pa kami ng barkada ko mamaya."

"Bakit, sa’n ba kayo pupunta?"

"Sa Bicol."

Oo nga pala. Pinapupunta ko sila dun. Pero matagal pa ‘yun a! Hindi ko pa nga nasusulat e.

Napakunot ang noo ko. "Bakit, sa’n ba kayo sa Bicol pupunta?"

"Malay. Basta dun." Bumunot si RO ng dalawang piso mula sa kanyang bulsa. "Bili mo naman ako ng Mentos kila Mang Pogs."

At nag-utos pa ang gago. Aabutin ko na sana nang binawi ni RO ulit ang barya at ibinalik sa kanyang bulsa.

"A ‘wag na pala. Meron na ako." Bumunot siya sa kabilang bulsa ng isang Mentos. Malamang naiwan sa yosi session kahapon.

Hindi
ko na alam kung saan mapupunta ang usapang ito, pero pinursigi ko pa
rin. Kunsabagay, bihira ko lang makausap ang tauhang ito.

"Gusto mo ng Mentos?" alok niya sa akin.

"Huwag ka nang magpaka-polite. Nandito lang ako para sa survey mo."

"Sabi ko nga sa ‘yo, hindi ko sasagutin yun."

"Bakit ba kasi ayaw mo?"

Mukhang naiinis na si RO. Mabuti.

Tumuro siya sa taas. Oo nga pala, sumagot na siya.

"Talagang hindi na?"

Napaisip si RO. "Pasagutin mo muna sa Ydine."

Ayun naman pala! Teka, nasaan pala si Ydine?

Alam niya yata ang iniisip ko. Siguro dahil nasa iisa kaming papel.

"Kasama niya si Fitz," marahan niyang sagot.

Hindi na ako nangulit. Tumakbo na ako papunta sa dulo ng pangungusap na ‘to at iniwan siya sa kanyang Mentos.

Leave a Reply