Taimtim
July 31, 2007
“Masarap ngayon ang ulam. Sana sumama ka.”
Kausap na naman ni Isko ang mga larawan. Kakatapos lang niyang kumain at kinadena na siya muli sa kanyang kuwarto. Nakapalibot na naman sa kanya ang mga litrato ng mga taong dati’y kilala niya at ngayo’y kinikilala niyang muli.
Sa baba’y naririnig niya ang boses ng kanyang tiya habang humahalo naman sa lamig ng gabi ang musikang nanggagaling sa radyo ng kanyang Kuya Mabel — mga tipikal na ingay pagkatapos ng hapunan. Sa bawat pagpasok ng patalastas ay maririnig ang paglipat sa ibang istasyon, at sa bawat paglipat ay may panandaliang katahimikan, katahimikang babasagin naman ng kanyang tiya.
Ilang beses na palang tumatawag ang isa sa mga larawan, hindi na namalayan ni Isko. Nakakunot na ang noo ng isang mamang may peklat sa kaliwang pisngi.
“Wala naman silang sinabi. Tsaka wala naman akong pakialam.” Kinamot ni Isko ang nilalamok niyang binti, pero napaigtad siya nang umabot ang kanyang kuko sa lamog na parte — masyado kasing mabigat ang kadenang nakabalot sa kanyang binti.
Naawa ang kanyang kausap. Natawa na lang si Isko.
Nakahanap na naman ng bagong istasyon ang kanyang kuya, pero sa kasamaang palad ay nakisabay pa ito sa kanta.
Lalong natawa si Isko.
“Tang-ina mo Isko!” sigaw ni Mabel. “‘Pag umakyat ako diyan, mamamaga na naman ang mukha mo!”
Pinigil na lang ng kawawang bilanggo ang kanyang pagtawa. Nakita niyang naiinip na ang isa sa mga larawan.
“Malay. Tatlong buwan na nila akong hindi pinapalabas e,” pabulong na sagot niya dito. “Siguro sa susunod na buwan maibibili na kita ng gusto mo.”
Mukhang nasiyahan ang kanyang kausap.
the obligatory Cinemalaya post
July 28, 2007
Saturday at walang pera. Humingi pa ng allowance kay inay para makapunta (dahil hanggang ngayon ay humihingi pa ako ng allowance). Ang previous budget ko na 500 ay naging 700 dahil sa takot na hindi makauwi (at makakain). Good thing, though, kasi Day pass lang ang ‘mura’ FOR ONLY P300– at hindi na ako estudyante para maka-avail sa discounted tickets. Sana pala nag-enrol muna ako sa pre-school bago ako pumuntang CCP.
:
I missed the 1st film nung 10am (Mainit na Tubig, tsk tsk), kaya sinabayan ko na lang ang mga 4031 pips — at ilang [P] and FC pips — sa pagpila at panonood. Tumingin-tingin ng mga DVDs at (amazingly) VCDs ng mga piling pelikula. Tapos nanood ng trailers sa mga Bravia LCD TVs (haha, Sony fanboy) at nangarap sa tapat ng booth ng Asia-Pacific Film Institute ($5,000/year, mura lang pala). Nalaman namin na may pelikula ring dinirek si Hero Angeles (the Hero Angeles) na mukhang rip-off ng the Grudge (pinulbusang batang nakanganga). May mga ilang directors daw na palakad-lakad sa lobby, pero ‘di ko naman sila kilala.
:
STILL LIFE. Maganda naman ang dialogue, likeable ang characters, at maganda ang location, pero nanggulo lang yung ending. Pero okay pa rin. Parang gusto kong magpinta. At maaksidente. At magpakamatay. Pure emo stuff.
:
LIGAW LIHAM naman ay… nakakaligaw. Tsaka nakakaantok. Kuwento ng isang bayang ‘nawalan’ ng Post Office at ang epekto nun sa mga taungbayan. Parang screensaver: Maganda at mabagal.
:
PISAY, ang much-hyped film sa araw na yun (and no doubt sa buong Cinemalaya week). Fan service lang para sa mga proud Pisay alumni. Tsaka 80s ang setting, kaya tinadtad ng mga jokes at issues ng panahong iyon. Maganda ang pagkakagawa (tsaka considering na tumulong ang Philippine Science Highschool Foundation sa funding, dapat lang maganda), but the story is pleasant at best. Amusing characters (some half-baked) and lots and lots of science stuff = edutainment.
Pag-uwi sa bahay, natanong ko si inay, "Ma, ba’t ‘di mo ako pinag-exam sa Pisay?" Tapos ang sagot niya, "Hindi ka naman mahilig sa science e." Hindi pala science ang Astronomy at Paleontology.
:
ENDO. 9pm na at inaantok na ako. Pero kahit simpleng love story lang ang pelikula, ito ang pinakagusto ko. Evenly paced at natural ang dialogue (except for the "please love me" part sa huli). Dun lang namin na-realize na may mga talented din palang mga mainstream na artista. Dun din namin na-realize na may product placement na ring nangyayari sa indie scene. Go Frenzie condom!
:
..
July 20, 2007
nung lunes, tatlong beses akong naghintay
July 17, 2007
di na ako nakakapag-post a…
July 10, 2007
balik kay RO at ang survey
July 3, 2007
Dahil hindi ko pa rin tapos ang kape ko, dumeretso na si Ydine sa kuwarto. Magaling. Saan na ba ako pupunta ngayon? Stuck na ako sa pahinang ito; hindi puwedeng umusad ang isang (barely) plot-driven na kuwento kung wala namang mangyayari. ‘Di naman ako puwedeng bumalik para — teka, baka puwede nga akong makabalik.
:
Masubukan nga.
:
Teka, ubusin ko lang ang kape ko.
:
Pinilit kong pasagutin si RO ng survey sa friendster, pero ayaw niya.
:
Sa sobrang inis ko nga e sinabihan ko na siya ng, "I am your author, dammit, so you better answer that freakin’ survey!"
:
Astig! Ang galing talaga ng kape ni Ydine! Pero ifa-fast forward ko na para hindi nakakaantok.
:
"Bakit ba kasi ayaw mo?"
:
Mukhang naiinis na si RO. Mabuti.
:
Ayun, tamang-tama.
:
Tumuro siya sa taas. Oo nga pala, sumagot na siya.
:
"Talagang hindi na?"
:
Napaisip si RO. "Pasagutin mo muna sa Ydine."
:
"Ayaw rin sumagot ni Ydine."
:
Natulala si RO. "Teka, hindi ba… aalis ka na at iiwan mo ako sa aking Mentos?"
:
"Oo nga. Pero bumalik na ‘ko. Literally."
:
"Ang gulo." Nanakit yata ang ulo ni RO.
:
"Ikaw ang magulo," sabat ko, "ikaw ang ayaw mag-survey e."
:
"Pwede bang… iwan mo na lang ako?"
:
"Tapos na nga! Iniwan na nga kita para pasagutin si Ydine kaya ngayon bumalik na ako para sabihing ayaw niya sumagot!"
:
"E para saan pa ang pagbalik mo kung ‘di naman pala sasagot si Ydine?"
:
Ako naman ang napatanga. Pero bago pa niya ako tawaging tanga, iniwan ko na talaga siya sa kanyang Mentos.





