Dahil hindi ko pa rin tapos ang kape ko, dumeretso na si Ydine sa kuwarto. Magaling. Saan na ba ako pupunta ngayon? Stuck na ako sa pahinang ito; hindi puwedeng umusad ang isang (barely) plot-driven na kuwento kung wala namang mangyayari. ‘Di naman ako puwedeng bumalik para — teka, baka puwede nga akong makabalik.
:
Masubukan nga.
:
Teka, ubusin ko lang ang kape ko.
:

Pinilit kong pasagutin si RO ng survey sa friendster, pero ayaw niya.

:

Sa sobrang inis ko nga e sinabihan ko na siya ng, "I am your author, dammit, so you better answer that freakin’ survey!"

:

Astig! Ang galing talaga ng kape ni Ydine! Pero ifa-fast forward ko na para hindi nakakaantok.

:

"Bakit ba kasi ayaw mo?"

:

Mukhang naiinis na si RO. Mabuti.

:

Ayun, tamang-tama.

:

Tumuro siya sa taas. Oo nga pala, sumagot na siya.

:

"Talagang hindi na?"

:

Napaisip si RO. "Pasagutin mo muna sa Ydine."

:

"Ayaw rin sumagot ni Ydine."

:

Natulala si RO. "Teka, hindi ba… aalis ka na at iiwan mo ako sa aking Mentos?"

:

"Oo nga. Pero bumalik na ‘ko. Literally."

:

"Ang gulo." Nanakit yata ang ulo ni RO.

:

"Ikaw ang magulo," sabat ko, "ikaw ang ayaw mag-survey e."

:

"Pwede bang… iwan mo na lang ako?"

:

"Tapos na nga! Iniwan na nga kita para pasagutin si Ydine kaya ngayon bumalik na ako para sabihing ayaw niya sumagot!"

:

"E para saan pa ang pagbalik mo kung ‘di naman pala sasagot si Ydine?"

:

Ako naman ang napatanga. Pero bago pa niya ako tawaging tanga, iniwan ko na talaga siya sa kanyang Mentos.

Leave a Reply