pics of the past #1

September 7, 2007

ang aking semi-retired Moto C651 phone ay may mga natatagong alaala, mga lumang phone pics isang taon bago ako grumadweyt at ilang buwan pagkatapos. <hikbi>
:
roll call! (ayoko nang i-rotate yung mga pics kasi nakakatamad)
:
082805_1244

Ito yata yung 1st day ng Journalism Skills Training ng [P]. Dahil ManEd ako, ako ang assigned na mag-prepare at mag-asikaso ng food, location, sched, tokens, at kung sino ang mga dadalong speakers (kahit iba ang nag-contact para sa ‘kin). Ako ang bibo!
:
090205_0331

Ang tindera sa may Reymundo’s (sa tapat ng tindahan Proven). Mga ala-una ‘to ng umaga, presswork kila oli at naghahanap kami ng presswork food: LaLa at Coke 1.5. Sabi nila aswang daw si tindera. Basta ganun.
:
090505_1556

:
First time kong makahawak ng Super Famicom at makalaro ng Super Mario RPG (c/o Gino), kaya nagpa-picture ako. Yeah, pathetic. Naging maliit na arcade ang oPis ‘pag walang drafts na inaasikaso (at minsan kahit meron). Later na-upgrade to Playstation (c/o Pam), at much later naging Xbox naman (dala ko). Ultimately, pinatanggal na rin ni Oli kasi naaadik na kaming lahat — tulad nung naadik ang Ed Board sa Magic Sing. Hehe.
:
090605_1103

090605_1838

Sila Julius at Apo, nahumaling sa Mahiwagang Kapa ni Kamatayan. Hardcore!
:
091005_1015

‘Di ko matandaan ang pangalan niya, basta JST speaker siya from Philippine Star.
:
091005_1336
Isa pang JST speaker (Kultura ata ang topic), habang binibigyan siya ni Oli at Thea ng token at certificate.
:
091205_1035

Taon-taon may mga HUM 2 students na nagkakalat ng mga artworks sa tapat ng Humanities. Tapos biglang uulan.
:
091405_1633

Habang nagka-canvass ng mga resorts para sa Sem-ender ng publication.
:
091605_2306_1

Feats staff Jovy and News editor John. Minsan magkasundo, madalas hindi.
:
091605_2325

Ganto ang nangyayari ‘pag magdamag nang gising, may nawawalang ulo ng manikin, at may camera phone. Teka, ‘yan din ang suot ko ngayon habang bina-blog ko ‘to a!
:
091605_2258_1

Bawal matulog!
:
Aruen_2

si Aruen Jordan. Noong mataba pa siya at palaging nakatawa.
:
101505_0937_1

1st Sem-ender ng [P] sa napakabagong Teakwood Resort. All talk, no swim.
:
110505_1613_1

Si Ricky Lee sa isang writing workshop.
:
Sa susunod na yung iba. Gutom na ako.

#%@$

September 5, 2007

tang’na, pwede bang matulog nang hindi nabubulabog?! sabihin niyo lang kung hindi.

setyembre

September 2, 2007

isang buwan na lang at magfi-first birthday na ang DS ko, pero kailangan muna kitang hanapan ng bagong set ng stylus. ang kama ko sa qc, nangangain ng stylus! sheesh, sinabi nang bawal ang extra spending ngayon e.