pics of the past #1

September 7, 2007

ang aking semi-retired Moto C651 phone ay may mga natatagong alaala, mga lumang phone pics isang taon bago ako grumadweyt at ilang buwan pagkatapos. <hikbi>
:
roll call! (ayoko nang i-rotate yung mga pics kasi nakakatamad)
:
082805_1244

Ito yata yung 1st day ng Journalism Skills Training ng [P]. Dahil ManEd ako, ako ang assigned na mag-prepare at mag-asikaso ng food, location, sched, tokens, at kung sino ang mga dadalong speakers (kahit iba ang nag-contact para sa ‘kin). Ako ang bibo!
:
090205_0331

Ang tindera sa may Reymundo’s (sa tapat ng tindahan Proven). Mga ala-una ‘to ng umaga, presswork kila oli at naghahanap kami ng presswork food: LaLa at Coke 1.5. Sabi nila aswang daw si tindera. Basta ganun.
:
090505_1556

:
First time kong makahawak ng Super Famicom at makalaro ng Super Mario RPG (c/o Gino), kaya nagpa-picture ako. Yeah, pathetic. Naging maliit na arcade ang oPis ‘pag walang drafts na inaasikaso (at minsan kahit meron). Later na-upgrade to Playstation (c/o Pam), at much later naging Xbox naman (dala ko). Ultimately, pinatanggal na rin ni Oli kasi naaadik na kaming lahat — tulad nung naadik ang Ed Board sa Magic Sing. Hehe.
:
090605_1103

090605_1838

Sila Julius at Apo, nahumaling sa Mahiwagang Kapa ni Kamatayan. Hardcore!
:
091005_1015

‘Di ko matandaan ang pangalan niya, basta JST speaker siya from Philippine Star.
:
091005_1336
Isa pang JST speaker (Kultura ata ang topic), habang binibigyan siya ni Oli at Thea ng token at certificate.
:
091205_1035

Taon-taon may mga HUM 2 students na nagkakalat ng mga artworks sa tapat ng Humanities. Tapos biglang uulan.
:
091405_1633

Habang nagka-canvass ng mga resorts para sa Sem-ender ng publication.
:
091605_2306_1

Feats staff Jovy and News editor John. Minsan magkasundo, madalas hindi.
:
091605_2325

Ganto ang nangyayari ‘pag magdamag nang gising, may nawawalang ulo ng manikin, at may camera phone. Teka, ‘yan din ang suot ko ngayon habang bina-blog ko ‘to a!
:
091605_2258_1

Bawal matulog!
:
Aruen_2

si Aruen Jordan. Noong mataba pa siya at palaging nakatawa.
:
101505_0937_1

1st Sem-ender ng [P] sa napakabagong Teakwood Resort. All talk, no swim.
:
110505_1613_1

Si Ricky Lee sa isang writing workshop.
:
Sa susunod na yung iba. Gutom na ako.

3 Responses to “pics of the past #1”

  1.   ai said:

    nostalgia kills.
    me.

  2.   Jay's Son said:

    ur still in elbi. :)

  3.   Jay's Son said:

    ur still in elbi. :)

Leave a Reply