in elbi, wasting my time away
October 31, 2007
dapat pala na-predict ko na ang kahihinatnan ng aming bicol trip: delayed ng isang linggo para hindi sumabay sa mga nagse-celebrate ng undas. sabagay, kung titingnan naman ang history ng mga trips ng pamilya, mas madalas ang ma-delay, ma-cancel, at makalimutan kaysa matuloy talaga. kaya ang solusyon? elbi. ang elbi na parating nandiyan *sniffs*
:
wala akong camera kaya hindi ako makakuha ng pics, kailangan munang humiram.
:
Nga pala: Hardcore–este, softcore–ang Lust, Caution ni Ang Lee. Classic/gasgas na "fall for the bad guy" film, pero enjoy naman. Kamukha lang ni Kim Chu yung bida kaya distracting (parang bigla na lang siyang kakanta ng kanyang Rejoice jingle).
Leave a Reply