Make-a-Fake DS game, part 3
October 16, 2007
Last May pa yata ang huli kong Make-a-Fake DS game post, kaya ibabalik ko siya ngayon (woohoo!). Inspired ng aking encounter with an emo, inihahandog ng GarganGames (kapatid ng GarganFilms) ang ultimate DS game para sa mga taong walang landas, nagpapaka-deep, bigo sa pag-ibig, at pino-problema ang problema ng buong mundo:
:
Ang TanginEmo ay isang Action-RPG kung saan kailangan mong tulungan ang bidang si Potchi para ma-express ang kanyang nararamdaman (at marami yun). Puno ng mga "kurot sa puso" moments ang game na ‘to, kaya kailangan kang maging handa sa mga pakikipagsapalarang maaaring makapagbago sa iyong buhay. Amen!
:
At bagay na bagay pa ang game na ‘to sa Emo Black DS Lite!
:
Buti na lang Onyx Black DS yung akin. hehe

Leave a Reply