dahil wala akong ma-post

November 20, 2007

lyrics na lang ng Hele (salamat sa makapangyarihang Bridge)
:

Pilit nilang
Binuksan ang isip mo
Binigyan ka ng pakpak
Di naman tinuruang lumipad
Saan patungo?
Saan patungo?

Sinabak ka
Sa giyera nang walang armas
Pinuri pa nang lubos
Sinabitan ng medalya
Handa na ba?
Handa na ba?

Di lahat
Sa eskuwelahan naituturo
May mga bagay na
Sa lansangan matatanto

Hinehele ng hangin
Ang napuyat mong diwa
Habang sumasalubong ang lupa
Mula sa rurok na narating

Patag na
Ang daan
Ng kinabukasan mo
Sinunod mo’t
Di mo sila binigo
Pikit-mata
Putol ang dila

Di masasagot
Ang mga sinasaloob
Huwag mong huhusgahan
Ang di maintindihan

One Response to “dahil wala akong ma-post”

  1.   ai said:

    ui pwede

Leave a Reply