let’s talk games

November 29, 2007

Simula nung dumating sa bahay namin noon sa Sta. Cruz, Manila ang Atari 2600 nung ako’y junior nursery pa lamang, alam na alam ko nang astig maglaro ng videogames. At ngayon, sa edad na dalawampu’t dalawa, alam na alam ko pa rin na astig maglaro ng videogames. Kahit ilang beses sabihin ni Inay na makakasira ‘yon ng TV at makakababa ng grades (wala pang videogame violence crap noon), naglalaro pa rin ako. Sabi nga ng isang Xbox ad, "Life is short. Play more." Amen.
:
At dahil naghihintay pa ako ng latest version ng aming secret game, maglilista muna ako ng lahat ng naaalala kong games mula Atari 2600 hanggang DS. Mga games na tumatak sa makakalimutin kong utak. ‘Wag mo nang basahin kung hindi ka nakaka-relate. Sadyang esoteric ang post na ‘to.
:
ATARI 2600 GAMES
:
1. Pac-Man - sng unang videogame character na nakilala ko. Ito yung palagi kong inaabangan bago ako umuwi galing sa Sta. Theresa Learning Center. Ewan, pero natatakot ako sa mga ghosts kapag dahan-dahan na akong nako-corner.
:
2. Pitfall - hindi ko alam na Pitfall na pala ang nilalaro namin ng pinsan ko. Sa katunayan, last year ko lang nalaman na Pitfall nga ang naaalala kong game na parang Indiana Jones, tapos parang platforming game na may 2 floors. Tapos ang hirap mag-swing sa vines, palagi kaming nahuhulog sa butas.
:
3. That 3 Little Pigs Game - hindi ko na matandaan kung ano talaga ang title ng game na yun, pero bago pa dumating ang Resident Evil at Silent Hill, ‘yon na ang pinakanakakatakot na Atari game na nalaro ko. Ang kaya lang gawin ng baboy ay ayusin ang bahay niya habang si Big Bad Wolf ay huff nang huff at puff nang puff. Scary stuff.
:
4. That Western game na parang Pong minsan - may nilalaro kami ng pinsan ko na 2-player game na may dalawang cowboys na nagbabarilan, tapos pwede kaming magtago sa mga dumadaang mga harang. Tapos, amazingly, tumatalbog ang mga bala.
:
5. Superman (Atari version) - pucha hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung ano ang point ng game na yun. Papasok lang kami sa isang telephone booth tapos pwede na kaming lumipad. At lumipad. At lumipad. Hanggang magpalit na kami ng ibang cartridge.
:
6. Frogger - kalaban ng Pac-man ang game na ‘to sa limited game time namin ng pinsan ko. Simpleng "why did the frog cross the road?" concept na sobrang nakakaadik.
:
7. Pole Position - F1 racing game na maraming magandang background. Tanda ko magsisimula sa umaga yung race tapos aabot na kami ng hapon. At ang weird part e most of the time wala kaming kasama sa race.
:
:

Famicom (or in my case, Good Boy) generation naman sa susunod.

2 Responses to “let’s talk games”

  1.   -Annie- said:

    Frogger pala tawag dun! hahaha. ang dahilan kung bakit ako napabili ng atari. Kung bakit ako naggold medal nung grade 2, para lang sa atari! dahil nakita ko ang frogger na yan sa kamaganak namin, at hindi na siya nawala sa isip ko XD

  2.   Katie said:

    I’m not sure kung tama pero ‘yung Pole Position ba na game ‘yung gumagalaw ‘yung background pero ikaw e hanggang left at right lang ang pwedeng moves? May naalala kasi akong racing game na ganun e. Tapos may biglang superman-look-alike character na biglang lilipad sa gilid kapag may bonus ka or something. Weird.

Leave a Reply