paperkkkkkraft!
November 28, 2007
Matagal-tagal na rin ang huli kong papercraft. Na-miss ko na ang talim ng cutter at gunting, amoy ng natutuyong glue sa daliri, at ang masarap na tunog ng cardboard na dahan-dahang ginugupit. Kaya tayo’y magbalik sa nakaraan… tenen-ten-tenen-tenenenenennnn….
:
Psy1 final project (Summer, 2004)
Dahil tuwing summer lang ako nagiging mabait na estudyante, at may mahaba-habang holidays noon (Presidential elections at Holy Week), minabuti ko nang pagandahin ang final project ko sa Psy1 class ko. 1 set per day for 5 days — tumanda yata ng ilang taon ako pagkatapos nun.
:
PPPPP: Pabibong Project Para sa Prod ng Perspektib
(1st Sem, 2004)
Para magpa-impress sa aking bagong tahanan (at para manalo kami sa Creative Logbook competition), naglagay ako ng "1st page shocker" ng aming F4-themed cover (c/o Kuya CJ). [Sa mga naghahanap pala ng ancient logbook na 'to, i-message lang si Mang Nelson. Sa kanya muna ang logbook hanggang mag-50th Anniversary ang Perspective]
:
At pagkatapos ng tatlong taon…
:
Paper Link! (kahapon, 2007)
Dahil fan ako ng cel-shaded Link, ayan, gumawa ako ng cardboard model (salamat sa internet). Sa susunod colored na, tapos ibang game characters naman, tapos papercraft model naman ng castle sa Howl’s Moving Castle, tapos blahblahblah.
November 28th, 2007 at 5:10 pm
huwaw! ‘yan na ba ‘yung produkto ng materyales mong nabasa ng coke nung linggo?
November 29th, 2007 at 2:05 am
yup! hehe
December 2nd, 2007 at 10:05 am
Naks! Kuya, pwede ka na talaga maging bagong host ng Art Attack! Ihahanap kita ng contact number nila, pramis. Ibang klase ka rin topakin e. Teka, bakit wala ‘yung picture nung pamaypay na binurdahan mo for [P] JST ‘nung 2005?! Hehe. Peace bro! =P
December 2nd, 2007 at 9:12 pm
gago!
December 17th, 2007 at 2:46 pm
uy namimiss ko na tong mga to.
December 25th, 2007 at 9:01 am
hahahaha! funny yung comment ni kate!! naaala ko pamaypay na yun!! :p gusto mo mag art angel? seryoso, ipapasok kita kay pia archangel.
she’s a good friend. kahit guest lang, turuan mo mga bata! dali! 