lesson learned
January 11, 2008
Nung 1st year highschool ako, naging lider ako sa isang group project sa Science and Technology class namin. Ako na ang nag-conceptualize kung ano ang gagawin: cross-section ng isang Boeing 747 aircraft made of soda cans. Buti na lang palabasa pa ako ng encyclopedia noon kaya medyo kabisado ko pa kung paano namin gagawin yun.
:
Ilang linggo rin naming inayos yung project. Nagkasugat-sugat pa kami sa paggupit ng mga lata. Bintana pa lang hindi na kinaya ng gunting. Hindi pa ako marunong magmura noon (bawal sa bahay e, kaya hindi ako nasanay), pero sa isip ko nagmumura na ako.
:
Hindi pa nga nagagawa yung replica, nag-crash landing na agad.
:
Sa huli’y nauwi sa isang airship ang project namin. Na ako na lang ang gumawa, kasi nagkatamaran na ang mga ka-group. Average grade ang nakuha namin.
:
Nung 2nd year ako, niyaya ako ng mga ka-grupo ko dati na sumama sa isa na namang science project. Humindi ako. May sarili akong ideya.
:
3D depiction ng asteroid impact noong Cretacious period, papier-mâché style.
:
Mas mataas pa ang grado ko. ‘Di pa kailangang magmura.
Leave a Reply