tonight is a weird night
January 16, 2008
There’s something in the air, indeed.
:
SM North. Alam ko nang may mali sa gabing ‘to nung naramdaman kong weird ang field of vision ko. Parang skewed. Dahil siguro sa superglued spectacles na tumatagilid, meaning parang tumatigilid din yung lakad ko.
:
Bumili ako ng sticker paper sa upper branch ng National Bookstore. Wala namang kakaiba, ‘liban lamang sa matagal — pero di naman mahabang — pila. Tinuro ako sa ground floor branch ng cashier para sa hinahanap kong textile paint.
:
Dumeretso ako sa ground floor. Matagal-tagal ko ring hinanap yung Pluffy/Puffy textile paint, pero wala, kaya yung isang brand na lang kinuha ko. 64 pesos para isang half-pint na paint? Astig!
:
Pumunta na ako sa counter para magbayad nang dumulas sa kamay ko yung textile paint — in slow motion — at nabasag sa may paa ko. Tumalsik — in slow motion pa rin — ang laman sa paa’t pantalon ko. Tapos nakatulala lang ako hanggang abutan ako ng babae ng tissue. Saka ko lang naalala na may tissue rin ako sa bulsa.
:
Pinabalot ko na lang sa isang employee yung natitirang pintura at nagbayad. Dahil nga nakabalot na sa isang paint-soaked plastic yung "binili" ko, kumuha ng ka-size at ka-brand na textile paint yung cashier para i-punch sa computer.
:
"Sir 150 pesos po."
:
"Ha? E 64 pesos lang yung bibilhin ko."
:
Nagmatigas ako sa presyong nakita ko. Pinagtabi pa namin yung dalawa, at kahit nakabalot sa makapal na plastic yung binili ko, mukhang magkasinglaki nga. Pero para i-double check na rin, minabuti na ni Miss Cashier na buksan yung plastic at i-inspect ang presyo. Nakita namin yung presyo. Pero astig ang twist.
:
"Sir, 264 pesos po pala."
:
Tangina, ang laki-laki ng 200 pesos, na-miss ko pa!
:
Kaya nagbayad na lang ako nang walang imik, kinuha ang specially wrapped textile paint, at umuwing nagtataka. Ang ganda ng simula ng 2008 ko.
:
==============================================================================
:
On a side note, nakasabay ko sa FX pa-Philcoa ang isa sa mga bilang na kakilala kong CommArts ‘01 na si Ryan Macaraig. Langya, dalawang taon ka na palang nakatira sa likod ng Mercury, ngayon lang tayo nagkita? San na ba yung ibang Backstage pips? Hindi pa tapos ang kaso natin laban kay Rufo! (hehe)
January 24th, 2008 at 10:45 pm
oh no…
January 25th, 2008 at 11:51 pm
Hi kay Ryan pag nakita mo siya ulit!