freewriting daw ang tawag dito. or emo.
February 18, 2008
sa tinagal-tagal ng paghihintay ko sa FebFair, hindi ko alam na paghihintay rin ang, uh, naghihintay sa akin sa gabing iyon. maling-mali. nasayang ang gabi dahil sa walang kwentang paghihintay. so, in short, sana hindi na lang ako pumunta. sana nag-DOTA na lang ako sa opis, nag-Wii sa bahay, nag-assemble ng computer, nag-install ng mga programs, at nag-canvass ng matinong laptop. e di may nangyari pa sana. wala sanang nasayang na sana.
:
ganun pala, liberating. yung tipo ng pag-walk out na hindi naman talaga walk out. yung umalis ka lang at walang nakakaalam kung nasaan ka at saan ka pupunta. yung pinanonood mo lang sila sa malayo, iniisip kung ano’ng iniisip nila at kung ano’ng iniisip mo.
:
masaya naman ang gabi. ang daming nakita, mga taong nawala na sa sirkulo at parang multong nagbabalik. mga pangalang hindi na nababanggit nang ilang taon, at nang banggiting muli ay parang mainit na alak na dumaloy sa lalamunan. nakatutuwang pakinggan ang kasalukuyan at nakaraan na ’sabay na naglalaro sa isipan. parang mga bata.
:
nakakaawa ang booth ng org namin sa totoo lang. kung hindi ko pa nakilala ang isa sa mga mukhang naghihintay doon, malamang abutin na kami ng umaga sa kakahintay. sabi nila’y sa likod daw ng pepsi can ang booth namin. nakalimutan siguro nilang bilog ang pepsi can. lahat harap, lahat likod. pakiuntog ang ulo sa pader para mahimasmasan.
:
fireworks, fireworks, naging fireworks ang pondo ng USC. aabangan ko ang susunod ninyong eleksyon.
:
pagkalayu-layo man ng prusisyon, sa KFC pa rin ang tuloy.
:
pahingi na lang ng pictures next year. hindi na ako babalik.
:
February 18th, 2008 at 9:30 pm
amen. saving grace ang wisma.
—
btw, ang fireworks ay pakana ng isang frat. ayun, hikahos na daw ang funds.
February 18th, 2008 at 9:51 pm
a ganun ba. edit ko yan mamaya
February 19th, 2008 at 1:08 am
hoy, bat kasi di ka sumama samen.
hay.
haay nako jay. antagal tagal din kita inintay, e, well, iba kasi mga kasama m. {may pagtatampong nagaganap}
February 19th, 2008 at 4:08 am
kaw rin kaya, iba rin ang (mga) kasama mo.
dumaan ako pero sarado na bahay niyo.
February 22nd, 2008 at 6:14 am
Hehe. Nadala si kuya. ‘Di rin maganda ‘yung iniwan mo sa booth e. Kami-kami lang nagchikahan. Parang walang mga residente. O well.
Anyway, mukha talagang kaawa-awa ang booth ng org. Potek. All-time low ito sa lahat ng istura ng booth. Mas oks pa ‘yung pinagtagpi-tagping garbage bags and newspaper nung 2003 fair. Haha.
February 22nd, 2008 at 6:30 pm
pinaka-astig na ata sa ‘kin yung dalawang goal posts na naging tent.
anyway, sorry umalis ako sa booth. mas masaya pa siguro yun. 2008’s Regret #1
February 23rd, 2008 at 3:52 am
yeah. Astig ‘yun kasi ‘di masyado hassle i-set-up (kahit mahirap lang ang pagbuhat.) at un ang pinaka-malaking booth ata. Anyway, bakit ka nga ba bigla na lang nawala? Punta kang pantas? Sayang, ‘di mo napanuod ang pangwawarla ng isang sis sa mga residente. Haha!