monday report
March 17, 2008
buti na lang maganda ang gising ko, kahit parang iniipit ang ulo ko sa ‘di marinig na ingay na parang narinig ko yata nung natutulog ako tapos saka lang nag-register sa utak ko na ingay pala yun. woohh!
:
ngayong pseudo-bakasyon at malamang hindi naman ako lalabas ng bahay, ano’ng pwede kong gawin?
:
e di mag-shoot! tulad ng dati!
:
noong 2006, inisip ko nang angkinin ang buong kuwarto sa taas, at gawing makeshift ‘office’ ng indie ‘label’ na Cinemattic (since sa attic lang naman ako nagshu-shoot). tutal wala naman akong mahihilang aarte (o crew), e aking-akin lang yung lugar.
:
wala sa plano, pero nang lumabas ako, ang daming nakasampay. maganda tingnan sa viewfinder kaya sinama ko na rin. konting ayos lang ng kulay ng nakasampay, solb na.
:
mmm, may fetish na yata ako sa mga sinampay.
:
kahit anino nila ang ganda pagmasdan.
:
mas maganda ‘to ‘pag gumagalaw. tapos gumagapang pa pakanan ang mga ulap.
:
"…A wish to be a big cactus, with a pink flower on it."
‘Di ko alam kung cactus ‘talaga ‘to — malamang hindi — pero malapit na.
:
March 25th, 2008 at 1:17 am
di yun cactus! euphorbia. hehe
March 25th, 2008 at 6:19 am
naks.
March 26th, 2008 at 6:59 am
What’s with all the sinampay? Adik ka sa mamasamasang damit na binibilad sa araw para matuyo? Ayos.