spectacles
March 3, 2008
Ilang araw bago ako magsimula bilang isang trainee sa Anino noong 2006, nagpapalit ako ng salamin. Thick rimmed glasses para lang maiba. Kahit sabihin pang pa-deep at pa-artiste (’di pa hit ang salitang "emo" noon), okey lang basta makabili ako ng salamin na nakita ko sa lead screamer ng Linkin Park nung hayskul ako.
:
Matapos ang halos dalawang taon, at ilang araw bago kami lumipat sa bagong siyudad, kinailangan ko ulit magpapalit. Balik sa dating bakal.
:
Salamat sa pakikipagsapalaran, kaibigan. Kahit hindi kita iyakan tulad ng pag-iyak ni Alberto Granado kay La Poderosa, alam kong alam mo na meron din tayong narating.
:
:
Rest in peace.
new place
March 1, 2008

:
So, new place. Right in the heart of the rally- and bomb-friendly Makati. Medyo tago naman (nawala nga si Mr. Taxi Man e, hindi kasi malinaw yung pangalan). Pero tulad nga ng Leaky Cauldron, obscurity leads to a world brimming with magic and excitement. Or whatever. Speaking of Leaky Cauldron, this building has an undeniably antiquated…smell. Reminds me of LB’s Main Lib.
:
More pics!
:
Main door ng office. Buti naman may sense of humor ang dating gumamit.
:
Hindi ko alam kung bakit may glass panels sa loob ng office, pero perfect ‘to sa mga magfi-field trip na mga students. Lagay na lang siguro tayo ng "Don’t Feed the Developers" or "Game Devs in their Natural Habitat" na sign.
:
Some empty office space. Dito siguro ilalagay yung tarps or yung sofa para sa mga narcoleptic. Or more desks.
:
Okay naman yung view. Refreshing, at least. Magpapa-picture ba ako kung hindi okay?
