the holy (week) checklist
March 15, 2008
1. Bumili ng 4-pin firewire, uh, wire. DONE (salamat, Electronics Boutique)
2. Bumili ng stereo adaptor. DONE (salamat, Electronics Boutique)
3. Basahin ang hiniram na Character Development and Storytelling for Games. Para may masulat naman akong matino para sa _______.
4. Basahin ang Smaller and Smaller Circles na kalahating taon ko nang hiniram.
5. Ipasa ang doc na hinihingi ng co-worker.
6. Gawin ang malupit-lupit na eksperimento na mukhang kakain ng aking linggo. ‘Pag maganda ang kinalabasan (at kung kinaya ni Tosh), may YouTube clip next week. ‘Pag hindi, kalimutan na lang na nabanggit ko ‘to. Kahit 1 minute lang, oks na.
7. I-scan na ang naipong bus tickets mula pa noong 2006. Basta.
8. Tapusin ang Oscarathon.
Leave a Reply