INT. SA ISANG SIKSIKANG BUS PA-LRT AYALA. GABI.
:
LALAKI: Sige, magpaligaw ka. Magpaligaw ka. (Tatahimik at makikinig sa kausap). Magpaligaw ka nga.
:
Titingin sa katabi para i-check kung nakikinig siya. Patay-malisya naman ang katabi at mukhang malalim ang iniisip. Babalik ang tingin ng LALAKI sa bintana.
:
LALAKI: ‘Kala mo… Madaming babae sa office namin a. E kung ligawan ko sila, sa tingin mo hindi ka magagalit?

Tatahimik ulit ang LALAKI at tatango paminsan-minsan.
:

LALAKI: Sige, sige. (Tatahimik ulit at tatango) Magsaing ka na, ha?
:
:

========================================================================
:
Pwede ko yata ‘tong isama sa sinusulat ko ngayong Magallanes-Dela Rosa.
:
:

One Response to “Minsan talaga, kahit napapapikit ka na sa antok at pagod, kailangan mo talagang makinig sa usapan ng iba. Para lang makalimutan mong trapik pa-Buendia.”

  1.   it is ai said:

    ay ngaun ko lang nakita to. haha meron ka rin palang fil-150-format blog. at ang kulet ng LALAKE

Leave a Reply