yet another work-related post. huli na ‘to.
April 8, 2008
Sayang at wala ang aking benevolent cellphone — teka, wala na pala siya since September — kasi nasa opisina kanina ang "dakila’t kagalang-galang" na si… Imee Marcos! At isa pa siya sa nag-cut ng ribbon sa aming Grand Foundation Day (siyempre imbento ko lang yung term).
:
Pagkatapos ng maliit na salu-salo, napag-usapan ng dalawa kong ka-opisina kung ilang taon na kaya si Imee. Nagtanong sila sa ‘kin, kaya sumagot ako.
:
"Tanungin niyo siya kung ilang taon na siya n’ong bumagsak yung rehimen nila, tapos i-add niyo na lang yung natitirang taon."
:
Dahil kailangan talagang may political joke ‘pag may politician.
Leave a Reply